Thursday, September 3, 2009

***WIKANF FILIPINO: Mula BALER hanggang BUONG BANSA***

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang WIKA? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Ang WIKA ay masisitemang balangkas na sinasalitang tunog, na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ang tunog kabilang sa isang kultura. Ang wika ang nagbibigay-buhay at siya 'yung nagbibigay-kulay sa isang bansa para sa kanilang ikauunlad. Ang wika ay gamit sa lahat lalong-lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa mga tao at sa mga ibang bansa. Ginagamit ang sariling wika para tayo ay magkaunawaan at magkaisa tayo. Kaya ang wikja ay mahalaga sa isang bansa.

Kung sumasapit ang buwan nang AGOSTO, nakatatak sa ating isipan na ito ay ang pagdiriwang ng "BUWAN NG WIKA". Naiisip natin ang mga ginawa ng mga BAYANI (tulad ni Dr. JOSE RIZAL) na maghimagsik sa mga umaapi sa ating bansang naaapi sa mga kamay ng mga Kastila at sa mga kamay ng mga Amerikano. At ang mga bayaning ito ay sila ay nagtagumpay sa kahilang paghihimagsik ta nagbalik rin ang mapayapang pamumuhay ng mga PILIPINO.
Ang wikang FILIPINO ang pambansang wika sa ating bansang PILIPINAS at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. At ang wikang INGLES naman ang wikang ginagamit ng mga tao na nakatira sa buong daigdig kung kaya't ito 'yung "INTERNATIONAL LANGUAGE".
"WIKANG FILIPINO: Mula BALER hanggang BUONG BANSA", ito nag opisyal na tema ng Buwan ng Wika sa ating bansang PILIPINAS ngayong taong 2009 at pinangungunahan ito ng KOMISYON sa WIAKANG FILIPINO o KWF.

Bakit BALER? Kasi pamilyar ito sa atin dahil isinapelikula ang makasaysayang kwento ng Baler sa ating bansa. Tanda ito ng pakikiisa ng pamahalaan at ng buong sambayang Pilipino sa ika-400 taon ng p[agdiriwang ng TAON ng BALER. Nangyari ang digmaan sa Baler nag halos isang taong noong PANAHAON ng HIOMASIKAN sa Pilipinas at nataon din ang digmaang yaon sa DIGMAANG KASTILA at AMERIKANO. Nilusob ng mga rebolusyonaryo ang tropang Kastila kaya, napili ang bangsang BALER sa tema ng BUWAN ng WIKA ngayong 2009 at marami ang makasaysayang nangyari sa bangsang ito.

Ang wika ay mahalaga kaya dapat natin itong mahalin at ingatan. At dapat nating gamitin ito sa mabuti at huwag itong binabalewala.

0 comments: